Ang Lechon

Ang lechon…bow
masarap ang lechon
lalo na pag ito’y crispylicious 🙂
puno man ito ng cholesterol
at malapit sa stroke
hindi iniinda dahil ang ligayang dala
daig pa ang nasa langit ka na
O lechon bakit kay sarap mo
naglalaway pag ika’y nasilayan ko
sa hapag kainan ganang-gana ako
sa paglamon sa isang katutak na balat mo
sa lechon ako ba’y adik?
sa isang sulyap ko lamang
sa balat mong mapupula
labi ko’y takam takam
at gusto ka nang sunggaban
O lechon…o lechon
ika’y isang tukso
kaya ako’y layuan mo
at baka sa ataul ang bagsak ko…
Ang lechon bow.
Advertisements